Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

2026 Central Government Budget, Aprubado sa Ikatlong Pagbasa; NT$48 Bilyon ang Ibinawas

17/08/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
CD
Legislature Votes on 2026 Central Government Budget Proposals
Ipinagpatuloy ng Legislative Yuan noong hapon ng ika-14 ang pagtalakay sa 2026 Central Government General Budget.
Isa-isang pinagbotohan ang mga panukalang hindi napagkasunduan ng mga partido. Nagtaas naman ang mga mambabatas ng KMT at DPP ng mga karatulang “Pabor” at “Tutol” upang ipakita ang kanilang posisyon.
(Kuha ni CNA reporter Cheng Ching-yuan / Agosto 14, 2026)
CD Legislature Votes on 2026 Central Government Budget Proposals Ipinagpatuloy ng Legislative Yuan noong hapon ng ika-14 ang pagtalakay sa 2026 Central Government General Budget. Isa-isang pinagbotohan ang mga panukalang hindi napagkasunduan ng mga partido. Nagtaas naman ang mga mambabatas ng KMT at DPP ng mga karatulang “Pabor” at “Tutol” upang ipakita ang kanilang posisyon. (Kuha ni CNA reporter Cheng Ching-yuan / Agosto 14, 2026)

Masusing tinalakay ng Legislative Yuan noong araw (ika-14) ang 2026 Central Government General Budget, at pormal itong naaprubahan sa ikatlong pagbasa pagsapit ng gabi. Mula sa orihinal na NT$3.035 trilyon na kabuuang gastusin, NT$48 bilyon ang ibinawas, katumbas ng 1.689%.

Isinumite ng Executive Yuan sa Legislative Yuan noong Agosto ng nakaraang taon ang panukalang badyet. Hiniling noon ng mga opposition party na ibalik at baguhin ito dahil hindi umano naisama alinsunod sa batas ang salary increase para sa military personnel, police at firefighters. Nangako naman ang Executive Yuan na maghahain sa loob ng anim na buwan ng kaugnay na amendments para sa kanilang mga karapatan.

Noong Abril 21, ipinadala ng Legislative Yuan ang budget bill sa mga committee para sa pagsusuri, at ngayong ika-14 ay tuluyan itong naaprubahan sa ikatlong pagbasa. Inanunsyo ni Legislative Yuan President Han Kuo-yu na inaprubahan ang 2026 Central Government General Budget matapos ang mga pagbabago.

Kabilang sa mga binawasan ang travel expenses para sa mainland China. Hindi kasama sa bawas ang mga gastusing malinaw na itinatadhana ng batas at ang pagdalo sa mga pulong at aktibidad ng APEC. Ganap namang tinanggal ang naturang budget ng National Communications Commission at Control Yuan, habang 15% ang ibinawas sa ilang ahensya gaya ng Academia Sinica, National Science and Technology Council, National Police Agency at National Immigration Agency, at 30% naman sa iba pang ahensya.

Binawasan din ng 60% ang special expenses, habang tuluyang inalis ang naturang budget ng ilang ahensya kabilang ang Control Yuan, Judicial Yuan, Executive Yuan at National Development Council. Binawasan din ng 2.5% ang military equipment and facilities expenses.

Naaprubahan din ang panukala ng Kuomintang caucus na i-freeze ang sahod ni Premier Cho Jung-tai mula Setyembre hanggang Disyembre na nagkakahalaga ng NT$1.488 milyon, at bawasan ang ilang operating at special expenses ng Executive Yuan.

Sa hiwalay na botohan, naaprubahan din ang pagbawas ng NT$10 milyon at pag-freeze ng NT$20 milyon mula sa NT$30 milyong state affairs confidential budget ng Presidential Office.

Naaprubahan din ang panukala ng Taiwan People's Party caucus na bawasan ng NT$200 milyon ang budget ng Ministry of Culture para sa international digital communications. Kakailanganin munang magsumite ang ministeryo sa loob ng tatlong buwan ng report tungkol sa organizational review at performance improvement ng TaiwanPlus bago magamit ang kaugnay na pondo

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解