Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Sa Araw Ng Mga Mamamahayag, President Lai Nagpasalamat Sa Media At Pinuri Ang Papel Nito Sa Pagbabantay Sa Gobyerno

01/09/2026 14:10
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Ngayong September 1 Journalists’ Day, nagbigay ng message si President Lai Ching-te sa lahat ng media workers: “Salamat sa inyong hard work. Thank you, everyone.” Photo source: Facebook page ni President Lai Ching-te
Ngayong September 1 Journalists’ Day, nagbigay ng message si President Lai Ching-te sa lahat ng media workers: “Salamat sa inyong hard work. Thank you, everyone.” Photo source: Facebook page ni President Lai Ching-te

Ngayong Setyembre 1 ay ginugunita ang Journalists’ Day sa Taiwan. Sa isang Facebook post, nagbigay-pugay si President Lai Ching-te sa lahat ng news workers at binigyang-diin na sa panahon ng mabilis na pagdaloy ng impormasyon, mas mahalaga kaysa dati ang fact-checking at pagbibigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon sa publiko.

Sinabi rin ni Lai na kailangan ng isang democratic society ang iba’t ibang boses at pananaw. Ayon sa kanya, mahalaga ang papel ng magandang journalism sa pagbabantay sa pamahalaan at sa pagbibigay-daan upang marinig ng lipunan ang iba’t ibang sektor. Nagpasalamat siya sa lahat ng journalists at sinabi, “Salamat sa inyong pagsisikap at hirap sa trabaho.”

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Lai na mula nang maupo siya bilang pangulo, madalas niyang makita ang mga reporters na abala sa kanilang trabaho, maging sa Presidential Office o sa mga events na dinadaluhan niya sa iba’t ibang lugar.

Aniya, nauunawaan niya na sa likod ng bawat tanong ng isang reporter ay may pressure mula sa deadlines, expectations ng editorial desk at iba’t ibang reporting assignments. Sa limitadong oras, kailangan nilang mabilis na maintindihan ang sitwasyon, tukuyin ang pinakamahalagang detalye at ipaliwanag nang malinaw ang mga komplikadong pangyayari. Sinabi ni Lai na nangangailangan ito ng mataas na antas ng professionalism at hindi madaling trabaho.

Ayon sa pangulo, sa nakalipas na taon ay maraming lugar ang pinuntahan ng mga reporters habang sinusundan ang kanyang mga official activities. Kapag biglang nagbabago ang schedule, kailangan din nilang agad na ayusin muli ang kanilang coverage plans.

Sa panahon naman ng Han Kuang 42 military exercises, kailangan ding sumama ng mga journalists sa mga military units at pumunta mismo sa training sites. Kapag may typhoon, heavy rain o malalaking emergency incidents, may mga news workers din na agad pumupunta sa lugar habang dala ang kanilang equipment upang makapag-report mula mismo sa ground.

Sinabi ni Lai na sa panahon ng mabilis na pagkalat ng impormasyon, mas mahalaga ang responsibilidad ng journalists na i-verify ang facts, alamin kung alin ang totoo o mali at tiyaking makatatanggap ang publiko ng reliable information.

Binigyang-diin niya na kailangan ng democratic society ang diverse voices at kailangan ding patuloy na magtanong, mag-imbestiga at mag-report ang mga mamamahayag.

Ayon kay Lai, ang magandang journalism ay nakatutulong sa pagbabantay sa pagpapatupad ng mga polisiya ng gobyerno at nagbibigay-daan upang marinig sa lipunan ang iba’t ibang pananaw.

Sinabi rin niya na kapag binalikan ng susunod na henerasyon ang kasalukuyang panahon, sa pamamagitan ng mga isinulat, litrato at video ng journalists nila malalaman kung ano ang nangyari sa Taiwan ngayon at kung paano umabot ang bansa sa kasalukuyang kalagayan.

Sa huli, sinabi ni Lai na ang journalism ay isang propesyong karapat-dapat sa respeto at isang trabahong dapat ipagmalaki ng mga gumagawa nito.

Nagpasalamat siya sa lahat ng reporters, writers, photographers, videographers at mga taong nagtatrabaho sa likod ng mga balita upang makumpleto ang bawat news report.

Binati rin niya ang lahat ng journalists ng isang masayang Journalists’ Day at hiniling na maging ligtas ang kanilang coverage at maging maayos ang kanilang trabaho.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x