Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Usok Mula Sa Wildfire Ng Indonesia Umabot Sa Pilipinas, Air Quality Sa Manila Nasa Red Alert

03/09/2026 15:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Patuloy ang forest fires sa Indonesia at ang haze mula rito ay umaabot na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, na maaaring magdulot ng health risks sa publiko. Makikita sa larawan ang Metro Manila na nababalot ng haze. Photo source: Central News Agency
Patuloy ang forest fires sa Indonesia at ang haze mula rito ay umaabot na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, na maaaring magdulot ng health risks sa publiko. Makikita sa larawan ang Metro Manila na nababalot ng haze. Photo source: Central News Agency

Patuloy ang mga forest fire sa Indonesia nitong mga nakaraang araw, at ang usok mula rito ay umabot na sa ilang bahagi ng Pilipinas, kabilang ang Metro Manila. Nanawagan ang Office of Civil Defense o OCD sa publiko na bawasan muna ang outdoor activities at magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas upang mabawasan ang posibleng epekto ng haze sa kalusugan.

Sinabi ni OCD Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro ngayong araw na patuloy ang mga forest fire sa Indonesia at posibleng matangay ng southwest monsoon ang usok patungo sa Pilipinas. Sa ngayon, naapektuhan na umano ang Metro Manila at mga karatig-probinsiya, ilang bahagi ng Central Philippines, at Palawan.

Batay sa monitoring data ng Department of Environment and Natural Resources para sa fine particulate matter o PM2.5, umabot sa 225 ang Air Quality Index o AQI sa Manila City pagsapit ng alas-4 ng hapon. Sa Parañaque City naman, umabot ito sa 265. Parehong kabilang ang mga antas na ito sa kategoryang “very unhealthy.”

Ayon sa ilang weather experts na nagsalita sa isang news program, posible pang magpatuloy nang ilang araw ang haze sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Alejandro na maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pagluha ng mga mata, at pangangati ng ilong. Maaari rin nitong palalain ang mga sakit gaya ng asthma, kaya pinapayuhan ang publiko na iwasan ang matagal na exposure sa maruming hangin.

Pinaalalahanan niya ang mga tao na bawasan ang paglabas kung hindi naman kinakailangan, lalo na ang mga bata at matatanda. Kung kailangang lumabas, mas mainam na gumamit ng wastong proteksiyon gaya ng N95 mask.

Dagdag pa ni Alejandro, para naman sa mga nagmamaneho sa gabi o sa mga lugar na mababa ang visibility, mainam na gumamit ng mas maliwanag na ilaw o fog lights upang mapanatili ang kaligtasan sa kalsada.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x