Bumisita sa Taiwan mula Agosto 29 hanggang Setyembre 4 ang mga lider at kinatawan ng labor unions at labor organizations mula sa United States. Ayon sa Taiwan Ministry of Labor, nagpalitan ng pananaw ang magkabilang panig tungkol sa mahahalagang labor issues, kabilang ang special law para sa delivery platforms at ang epekto ng artificial intelligence o AI sa mga manggagawa at workplace.
Noong Agosto 31, tinanggap ni Taiwan Deputy Labor Minister Huang Ling-na ang U.S. delegation. Sinabi niya na mahalagang international partner ng Taiwan ang United States at kapwa pinahahalagahan ng dalawang panig ang democracy, freedom at human rights. Matagal na rin aniyang may malapit na ugnayan at kooperasyon ang Taiwan at U.S. sa labor affairs.
Kabilang sa pitong kinatawan ng U.S. labor sector sina David Cann, director ng American Federation of Government Employees o AFGE; Christy Simila, director ng Oregon Nurses Association o ONA; at Daniel Ginsberg-Jaeckle, senior organizer ng International Organization of Masters, Mates & Pilots o MM&P.
Habang nasa Taiwan, bumisita rin ang delegation sa ilang labor organizations, kabilang ang Chunghwa Telecom Workers’ Union, International Airport Workers’ Union Federation, National Aviation Industry Union, National Chinese Seamen’s Union, Taiwan Nursing Industry Union, at ang national federation ng railway unions.
Ayon sa Ministry of Labor, layunin ng mga pagbisita na bigyan ang U.S. representatives ng mas malalim na pag-unawa sa development ng labor unions at working environment sa Taiwan. Nagkaroon din sila ng pagkakataong direktang makipagpalitan ng karanasan sa mga Taiwanese labor representatives.
Umaasa ang Taiwan na magpapatuloy ang regular na komunikasyon at experience-sharing sa pagitan ng dalawang panig, lalo na sa mga labor issues na pareho nilang kinakaharap. Layunin nitong magkaroon ng mas maraming pagkakataon para sa cooperation at higit pang mapalalim ang Taiwan-U.S. partnership sa labor affairs.