Ayon sa Presidential Office noong September 8, tinanggap ni Vice President Hsiao Bi-khim noong September 7 sa Presidential Office ang delegation ng mga scholars mula sa “Taiwan in the Indo-Pacific Region” (TIPR) program ng Hoover Institution, Stanford University, kung saan tinalakay nila ang development ng Taiwan sa national defense, economy at cross-Strait relations.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Hsiao ang delegation sa matagal nitong pagbibigay-pansin sa Taiwan at Taiwan-U.S. relations. Sinabi niya na pangunahing layunin ng Taiwan government ang pagpapanatili ng peace and stability sa rehiyon.
Binanggit din ni Hsiao ang “Four Pillars of Peace” action plan ni President Lai Ching-te, na kinabibilangan ng pagpapalakas ng national defense, pagpapahusay ng economic prosperity, pagbuo ng partnerships sa mga kapwa democracy, at pagpapakita ng principled leadership sa cross-Strait relations.
Tungkol sa relasyon sa China, sinabi ni Hsiao na dumaraan ngayon sa isang napakahirap na panahon ang cross-Strait relations dahil patuloy na tumatanggi ang leadership ng People's Republic of China na magkaroon ng direktang dialogue at communication sa democratically elected government ng Taiwan.
Gayunpaman, sinabi niyang nananatiling malinaw at consistent ang posisyon ng Taiwan.
“We will not provoke, but at the same time, we will not compromise on our hard-earned freedom and democracy,” ayon kay Hsiao.
Samantala, sinabi ng delegation leader at dating commander ng U.S. Strategic Command na si James O. Ellis Jr. na habang patuloy na lumiliit ang margin for error sa cross-Strait situation, nangangailangan ang effective deterrence ng discipline sa tatlong pangunahing aspeto: hindi dapat maging underprepared, hindi dapat pahinain ng internal divisions ang sariling kakayahan, at kailangang iwasan ang unnecessary provocation.
Dahil dito, sinabi ni Ellis na pinahahalagahan niya ang commitment ng Taiwan government na itaas ang defense spending sa 3% ng GDP, at ang layunin nitong dagdagan pa ito sa hinaharap. Pinuri rin niya ang plano ng Taiwan na i-modernize ang Armed Forces batay sa mga aktuwal na security threats na kinakaharap nito.
Ayon kay Ellis, seryosong mga desisyon ang mga hakbang na ito sa harap ng mga practical constraints, at kinikilala at nirerespeto ng United States ang mga pagsisikap ng Taiwan.
Nagbabala rin si Ellis tungkol sa epekto ng domestic political divisions sa national defense. Sinabi niyang natutunan ng mga Amerikano mula sa mahihirap na karanasan na kapag ginamit ang national defense bilang instrumento para sa short-term partisan interests, ang tanging makikinabang ay ang kalaban.
Binigyang-diin niya na ang pagkakaroon ng iba't ibang pananaw sa isang free society ay tanda ng isang healthy democracy. Ngunit pagdating sa mga usaping may kinalaman sa mismong survival ng isang bansa, sinabi niyang ang pagkakaisa ay isa ring mahalagang anyo ng deterrence.