Binisita ng General Association of Chinese Culture kasama ang mga nangungunang Taiwanese performing arts groups ang Taiwan Representative Office sa Poland noong Setyembre 10, bilang paghahanda para sa “Taiwan Day” events sa Łódź at Opole, Poland. Ito ang unang pagkakataon na ang tradisyonal na Taiwanese temple culture, kabilang ang deity guardian performances at Beiguan music, ay itatanghal nang malakihan sa mga pampublikong lugar sa Europe.
Ayon kay Taiwan Representative to Poland Liu Yung-chien, kapansin-pansing lumalaki ang interes ng Poland sa Taiwan nitong mga nakaraang taon. Binanggit niya na regular na bumibisita sa Poland si Foreign Minister Lin Chia-lung, habang apat na Polish deputy minister-level officials naman ang dumalo sa Taiwan Expo na ginanap sa Warsaw noong Hunyo, na nagpapakita ng lumalalim na economic at industrial cooperation ng dalawang panig.
Kabilang sa mga grupong magtatanghal ang Lei Sheng Traditional Arts Theatre, Taipei Gongle Xuan, at MeimageDance ni choreographer Ho Hsiao-mei. Ayon kay Ho, pinagsasama ng kanilang performance ang contemporary dance, Beiguan music at mga elementong hango sa deity guardian traditions upang ipakita ang makulay at matatag na kultura ng Taiwanese folk religious processions.
Bago ang Taiwan Day events, bumisita rin ang Taiwanese performers sa National Ethnographic Museum in Warsaw noong Setyembre 9. Ibinahagi nila ang pinagmulan at kahulugan ng deity guardian tradition at nagtanghal para sa Polish audience, na ayon sa Taiwan delegation ay labis na humanga sa kanilang performances.
Bilang espesyal na regalo para sa Polish audience, inangkop ng Taipei Gongle Xuan ang kilalang Polish-Ukrainian folk song na “Hej Sokoły” sa tradisyonal na Beiguan musical style. Hindi rin naging madali ang paghahanda dahil kailangang baklasin, dalhin sa pamamagitan ng air transport at muling buuin sa Europe ang malalaking deity figures. Ang bilang ng Beiguan musicians ay itinugma rin sa karaniwang setup ng traditional festivals sa Taiwan.
Sinabi ni Liu na nakakaantig makita ang masigla at makapangyarihang temple culture ng Taiwan na makarating sa Europe. Binigyang-diin niya na bukod sa trade at technology, mahalaga ang cultural at people-to-people exchanges upang makabuo ng pangmatagalang pagkakaibigan sa pagitan ng Taiwan at Poland.