Pinasalamatan ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs ang Guatemala sa patuloy nitong pagsuporta sa international participation ng Taiwan. Sa reception para sa ika-205 anibersaryo ng kalayaan ng Guatemala sa Taipei noong Setyembre 10, sinabi ni Taiwan Deputy Foreign Minister Ko Pao-hsuan na matatag at mutually beneficial ang diplomatic relations ng dalawang bansa mula pa noong 1934.
Ayon kay Ko, napakahalaga ng matagal nang pagsuporta ng Guatemala sa Taiwan sa international community dahil nakatutulong ito sa pagsisikap ng Taiwan na magkaroon ng mas malawak na international participation. Umaasa siyang patuloy na palalalimin ng dalawang bansa ang kanilang cooperation at magsisilbing matatag na partners ng isa’t isa.
Dumalo sa reception sina Guatemalan Ambassador to Taiwan Luis Raul Estevez Lopez, National Security Council Secretary-General Wu Chao-hsieh at iba pang Taiwanese at Guatemalan officials.
Sinabi ni Ambassador Estevez na kasalukuyang nagsisikap ang Guatemala na palawakin ang textile industry nito at maging bahagi ng semiconductor production supply chain. Pinasalamatan niya ang Taiwan, United States at Japan sa kanilang suporta at tulong sa pagsisikap ng Guatemala na magkaroon ng bagong modelo ng economic development.
Ayon sa ambassador, patuloy na lumalalim ang relasyon ng Guatemala at Taiwan hindi lamang sa politics at diplomacy kundi pati sa trade, military affairs, economy, culture at technology. Ang suporta ng Taiwan sa layunin ng Guatemala na maging bahagi ng semiconductor supply chain ay lalo pang nagpapatibay sa bilateral relations. Patuloy din aniyang sinusuportahan ng Guatemala ang paglahok ng Taiwan sa mga international organizations.
Ngayong Disyembre, ipagdiriwang ng Taiwan at Guatemala ang ika-92 anibersaryo ng kanilang diplomatic relations. Binigyang-diin ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs na patuloy na palalawakin ng dalawang bansa ang cooperation upang suportahan ang isa’t isa at makamit ang mutual prosperity.
Sa reception, ibinahagi rin ni Ambassador Estevez ang ilan sa mga kilalang ambag ng Guatemala sa mundo, kabilang ang instant coffee, ilang teknolohiya para sa online identity verification at CAPTCHA, Duolingo language-learning system, at ang konsepto ng McDonald’s Happy Meal.