Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Taiwan Civil Groups, Nanawagan sa Hong Kong na Palayain sina Chow Hang-tung at Iba Pang Democracy Activists

12/09/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
JD
Taiwan Civil Groups Voice Support for Hong Kong Alliance Leaders
Following the sentencing in the Hong Kong Alliance subversion case on September 11, Taiwanese civil society groups and Hong Kong residents in Taiwan expressed support for former leaders Lee Cheuk-yan, Albert Ho and Chow Hang-tung. Attendees included Pastor Huang Chun-sheng of Chi-Nan Presbyterian Church (front row, from left), human rights activist Lee Ming-che, Taiwan Hong Kong Association Chairman Sang Pu, and Chinese Democracy Academy Association Secretary-General Kung Chin-lung. (CNA photo by Lee Ya-wen, September 11, 2026)
JD Taiwan Civil Groups Voice Support for Hong Kong Alliance Leaders Following the sentencing in the Hong Kong Alliance subversion case on September 11, Taiwanese civil society groups and Hong Kong residents in Taiwan expressed support for former leaders Lee Cheuk-yan, Albert Ho and Chow Hang-tung. Attendees included Pastor Huang Chun-sheng of Chi-Nan Presbyterian Church (front row, from left), human rights activist Lee Ming-che, Taiwan Hong Kong Association Chairman Sang Pu, and Chinese Democracy Academy Association Secretary-General Kung Chin-lung. (CNA photo by Lee Ya-wen, September 11, 2026)

Hinatulan ng korte sa Hong Kong ngayong Setyembre 11 sina dating Hong Kong Alliance chairman Lee Cheuk-yan, vice chairpersons Chow Hang-tung at Albert Ho ng pagkakakulong mula limang taon at dalawang buwan hanggang pitong taon at tatlong buwan dahil sa kasong “inciting subversion of state power” sa ilalim ng National Security Law.

Ang ngayo’y binuwag nang Hong Kong Alliance in Support of Patriotic Democratic Movements of China ay matagal na nag-oorganisa ng taunang candlelight vigil tuwing Hunyo 4 sa Victoria Park upang alalahanin ang mga nasawi sa 1989 Tiananmen crackdown. Matapos ang mahigit limang taong legal proceedings at matagal na detention, inilabas ng korte ang kanilang mga sentensiya.

Bilang tugon, nagsagawa ng press conference ang ilang Hong Kong residents sa Taiwan at Taiwanese civil society groups sa labas ng Legislative Yuan. Nanawagan sila sa Hong Kong government na palayain sina Chow Hang-tung at iba pang defendants, alisin ang National Security Law, at ibalik ang karapatan ng mga taga-Hong Kong na gunitain ang June Fourth crackdown.

Ayon kay Chen Yen-ken ng Judicial Reform Foundation, ibinatay umano ng korte sa haka-haka ang interpretasyon nito sa political objectives ng Hong Kong Alliance. Aniya, ang pagtrato sa peaceful political advocacy bilang isang paraan ng subversion ay maaaring magtanggal ng espasyo para sa mapayapang political expression at advocacy.

Sinabi naman ni Pastor Huang Chun-sheng ng Chi-Nan Presbyterian Church na ang kaso ay hindi lamang tungkol sa individual criminal responsibility kundi pati sa kung paano tinatrato ng isang political system ang historical memory. Aniya, ang paggunita sa June Fourth at panawagan para sa katotohanan, hustisya at accountability ay hindi dapat ituring na incitement o subversion.

Nagbabala rin ang Taiwanese human rights activist na si Lee Ming-che na mahalagang alalahanin ng Taiwan ang sarili nitong karanasan sa authoritarian rule at ang democracy movement ng Hong Kong. Ayon sa kanya, ang democracy ng Taiwan ay bunga rin ng mga taong tumutol sa authoritarianism at ipinaglaban ang political rights.

Binigyang-diin ng mga civil groups na ang verdict ay may mas malawak na epekto sa freedom of speech, freedom of assembly, judicial independence at civic space sa Hong Kong. Anila, ang peaceful assembly ay isang fundamental human right at hindi dapat gamitin ang national security legislation upang supilin ang mapayapang political expression.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x