Kinumpirma ng Taiwan Presidential Office at Ministry of Foreign Affairs na si Vice President Hsiao Bi-khim ay nagtungo sa Ventotene Island sa Italy upang dumalo sa ikalawang Ventotene European Forum on Freedom and Democracy. Kasama niya sa biyahe si Foreign Minister Lin Chia-lung.
Ayon kay Presidential Office spokesperson Karen Kuo, inimbitahan si Hsiao na lumahok sa forum. Sinabi niyang magbibigay ang Presidential Office ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagbisita pagkatapos makabalik ng Taiwan ang vice president.
Hindi ito ang unang paglahok ni Hsiao sa isang major democracy-related event sa Europe. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, dumalo siya sa annual meeting ng Inter-Parliamentary Alliance on China o IPAC sa Brussels, kung saan nagsalita siya tungkol sa Taiwan bilang isang reliable partner sa gitna ng pagbabago at instability sa mundo.
Ayon sa Italian news agency ANSA, inanunsyo ni European Parliament Vice President Pina Picierno ang pagdating ni Hsiao sa Ventotene noong gabi ng Setyembre 10, local time. Mainit na palakpakan mula sa mga participants ang sumunod nang ihayag niya na dumating na ang Taiwan vice president.
Ipinaliwanag ni Picierno na hindi maagang isinapubliko ang paglahok ni Hsiao dahil sa posibilidad ng interference mula sa Chinese government. Binigyang-diin niya na walang sinuman, kabilang ang China, ang may karapatang magdesisyon kung sino ang maaaring magsalita sa forum.
Ayon kay Picierno, ang Ventotene Island ay simbolo ng freedom, resistance at democracy. Sinabi niyang ipinagmamalaki nilang mabigyan ng pagkakataong magsalita ang mga taong araw-araw na humaharap sa pressure mula sa authoritarian threats habang ipinagtatanggol ang kanilang freedom at democratic system.
Inilunsad ni Picierno ang Ventotene democracy forum noong 2025 upang pagsama-samahin ang dissidents, activists at European leaders para talakayin kung paano haharapin ang authoritarianism at mapoprotektahan ang democracy. Gaganapin ang forum ngayong taon mula Setyembre 10 hanggang 12.
Kabilang din sa mga participants si Oleksandra Matviichuk, pinuno ng Ukraine’s Center for Civil Liberties, na kabilang sa mga tumanggap ng 2022 Nobel Peace Prize. Ang paglahok ni Hsiao ay isa na namang high-profile appearance ng isang senior Taiwanese official sa isang European democracy forum.