Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Taiwan Foreign Minister Nakipagpulong sa Sabah Minister; Taiwan, Handang Ibahagi ang Karanasan sa Smart Agriculture at Healthcare

13/09/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
Taiwan Foreign Minister Lin Chia-lung (right) met with visiting Sabah Minister of Agriculture, Fisheries and Food Industry Jamawi Ja’afar (left) at the Ministry of Foreign Affairs on September 10. Lin expressed hope that Taiwan and Sabah will continue to expand exchanges and deepen cooperation. (Photo: Lin Chia-lung’s Facebook page)
Taiwan Foreign Minister Lin Chia-lung (right) met with visiting Sabah Minister of Agriculture, Fisheries and Food Industry Jamawi Ja’afar (left) at the Ministry of Foreign Affairs on September 10. Lin expressed hope that Taiwan and Sabah will continue to expand exchanges and deepen cooperation. (Photo: Lin Chia-lung’s Facebook page)

Nakipagpulong si Taiwan Foreign Minister Lin Chia-lung kay Jamawi Ja’afar, Minister of Agriculture, Fisheries and Food Industry ng Sabah, Malaysia, na bumibisita sa Taiwan kasama ang kanyang delegation. Sinabi ni Lin na handang ibahagi ng Taiwan ang matagumpay nitong karanasan sa smart agriculture, smart healthcare at talent development upang mapalalim ang cooperation sa Sabah.

Sa kanilang pagpupulong noong Setyembre 10, sinabi ni Lin na hindi kalayuan ang East Malaysia sa Taiwan at ito ang unang pagbisita ni Jamawi sa bansa. Umaasa siyang mas makikilala ng delegation ang development ng Taiwan sa technology, agriculture at healthcare at magkaroon ng mas maraming pagkakataon para sa bilateral exchanges.

Ipinaliwanag din ni Lin ang Taiwan’s “Integrated Diplomacy” approach, na ginagamit ang lakas ng Taiwan sa ICT at semiconductor industries upang bumuo ng practical solutions para sa ibang bansa. Ayon sa Ministry of Foreign Affairs, layunin nitong palawakin ang substantive cooperation ng Taiwan sa mga international partners.

Sa larangan ng smart agriculture, handang ibahagi ng Taiwan ang paggamit ng AI, automated equipment at data analysis upang mapataas ang agricultural productivity at mapalakas ang food security. Sa smart healthcare naman, maaaring ibahagi ng Taiwan ang integrated medical technology solutions nito upang makatulong sa pagpapahusay ng healthcare services.

Binanggit din ni Lin ang talent development bilang mahalagang bahagi ng cooperation. Umaasa siyang maaaring magkaroon ng long-term mechanism sa pagitan ng Taiwan at Sabah sa pamamagitan ng university exchanges at industry-academia cooperation upang sanayin at palawakin ang kanilang pool of professional talents.

Ayon kay Lin, mayaman ang Sabah sa agricultural at fishery resources at isa itong mahalagang production base ng Malaysia. Kasalukuyang pinapalakas ng Sabah ang food self-sufficiency, agricultural cultivation, fishery processing at cold-chain technology upang mapataas ang value ng mga produkto nito.

Malaki rin aniya ang potensyal sa tourism cooperation. Parehong may magagandang bundok at karagatan ang Taiwan at Sabah, at mayroon nang direct flights sa pagitan ng dalawang lugar. Umaasa si Lin na mapapalawak pa ang tourism at people-to-people exchanges at mas mapapalapit ang relasyon ng Taiwan at Sabah.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x