Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Taiwan at Europe, Pinalalalim ang Technology Cooperation; Resilient Supply Chains, Binigyang-diin ng NSTC Minister

13/09/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
EF
Taiwan-Europe Technology Cooperation Deepens; Wu Cheng-wen Stresses Importance of Resilient Supply Chains
In an interview with CNA, Taiwan’s National Science and Technology Council Minister Wu Cheng-wen said that amid geopolitical tensions and the risk of sudden supply chain disruptions, building secure and resilient supply chains among democratic countries has become an important priority. (CNA photo by Wu Po-wei, Antwerp, September 11, 2026)
EF Taiwan-Europe Technology Cooperation Deepens; Wu Cheng-wen Stresses Importance of Resilient Supply Chains In an interview with CNA, Taiwan’s National Science and Technology Council Minister Wu Cheng-wen said that amid geopolitical tensions and the risk of sudden supply chain disruptions, building secure and resilient supply chains among democratic countries has become an important priority. (CNA photo by Wu Po-wei, Antwerp, September 11, 2026)

Patuloy na lumalalim ang technology cooperation ng Taiwan at Europe, partikular sa semiconductor sector. Sinabi ni Wu Cheng-wen, Minister ng Taiwan National Science and Technology Council o NSTC, na sa gitna ng geopolitical tensions at panganib ng biglaang pagkagambala sa global supply chains, mahalagang bumuo ang mga democratic countries ng secure at resilient supply chains.

Ginawa ni Wu ang pahayag habang dumadalo sa ikatlong Taiwan-Europe Chip Innovation Forum o TECIF, na ginanap noong Setyembre 9 at 10 sa Antwerp, Belgium. Tinalakay sa forum ang lumalawak na semiconductor at advanced technology cooperation sa pagitan ng Taiwan at Europe.

Ayon kay Wu, ipinakita ng geopolitical conflicts at ng COVID-19 pandemic kung gaano kadaling maputol ang global supply chain. Dahil dito, kailangang tiyakin ng bawat bansa ang supply chain security hindi lamang para sa economic development kundi pati para sa national security.

Sinabi ni Wu na sa nakalipas na 50 taon, tuloy-tuloy ang investment ng Taiwan sa semiconductor education, research and development at industrial development. Bukod sa advanced semiconductor manufacturing, mayroon ding malakas na ecosystem ang Taiwan sa mature processes, chip design at advanced packaging.

Samantala, ayon kay Wu, unti-unting nawalan ng competitive advantage ang ilang European countries sa semiconductor manufacturing, habang binawasan naman ng United States ang investment nito sa sektor sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong dekada. Dahil mahirap ibalik agad ang dating manufacturing capacity, sinabi niyang lalong nagiging mahalaga ang cross-border cooperation.

Binigyang-diin ni Wu na hindi lamang tungkol sa paggawa ng chips ang strategic importance ng semiconductor industry. Mahalaga rin ito sa development ng AI computing infrastructure, quantum computing at future intelligent robotics.

Partikular na umaasa sa AI ang susunod na generation ng service robots. Ayon kay Wu, kung walang malakas na suporta mula sa semiconductor at AI hardware industries ng Taiwan, maaaring magkaroon ng gaps sa global supply chains na kailangan para sa mga bagong AI at robotics applications.

Dahil dito, nakikita ng Taiwan ang mas malalim na Taiwan-Europe technology partnership bilang paraan hindi lamang upang palawakin ang innovation, kundi upang bumuo rin ng mas ligtas, diversified at resilient supply chain sa pagitan ng mga democratic partners.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x