Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

26 Chinese Spouses, Tatakbo sa Taiwan Local Elections; MAC: Kailangang Sumunod sa Election at National Security Laws

14/09/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
PD
Central Election Commission (CEC) Chairman You Ying-lung (pictured) held a press conference to announce that 19,695 candidates had completed registration for Taiwan’s local elections, including 26 Chinese spouses. (CNA photo by You Kai-hsiang, September 7, 2026)
PD Central Election Commission (CEC) Chairman You Ying-lung (pictured) held a press conference to announce that 19,695 candidates had completed registration for Taiwan’s local elections, including 26 Chinese spouses. (CNA photo by You Kai-hsiang, September 7, 2026)

Nakatakdang idaos sa Nobyembre 28 ang 2026 local elections sa Taiwan. Ngayong taon, 26 Chinese spouses ang nagparehistro bilang mga kandidato, mas marami ng pito kumpara sa nakaraang local elections.

Bilang tugon sa mga tanong tungkol sa posibleng national security at Chinese influence risks, muling nilinaw ni Mainland Affairs Council o MAC spokesperson Liang Wen-chieh ang mga legal requirements para sa Chinese spouses na nais kumandidato sa Taiwan.

Ayon kay Liang, kailangang magsumite ang isang Chinese spouse ng patunay na tinanggal o nawala na ang kanyang household registration sa mainland China, at dapat ay lumipas na ang 10 taon bago siya maging eligible na kumandidato. Ang Central Election Commission ang magpapasya kung kwalipikado ang bawat kandidato at inaasahang ilalabas ang kumpletong listahan bago Oktubre 17.

Binigyang-diin din ni Liang na kahit kwalipikado nang tumakbo ang isang Chinese spouse, kailangan pa rin niyang sumunod sa Civil Servants Election and Recall Act at iba pang batas ng Taiwan. Kabilang dito ang Anti-Infiltration Act at National Security Act.

Tinanong din ang MAC tungkol kay stunt actress Chen Chu-yin, na dati umanong nagpahayag ng intensyong talikuran ang Taiwan household registration at kumuha ng Chinese nationality. Nagparehistro siya ngayon bilang kandidato para sa New Taipei City Council.

Sinabi ni Liang na hindi kabilang si Chen sa listahan ng 26 Chinese spouses na nagparehistro bilang kandidato, kaya sa kasalukuyan ay wala umanong problema sa kanyang eligibility. Kung may posibleng kinalaman naman ang kanyang candidacy sa Chinese Communist Party infiltration, sinabi niyang kailangang suriin ito batay sa aktuwal na ebidensya at circumstances.

Dagdag ni Liang, may mga probisyon ang Anti-Infiltration Act para sa mga ganitong uri ng activities. Ngunit pagdating sa kung matatanggap ng publiko ang kandidatura ni Chen at kung makakakuha siya ng suporta, sinabi niyang may kakayahan ang mga Taiwanese voters na gumawa ng sarili nilang desisyon.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x