Opisyal nang sinimulan noong Setyembre 11 ang serye ng mga aktibidad para sa National Disaster Prevention Day ng Taiwan, na magkatuwang na isinasagawa ng Ministry of the Interior at Ministry of Education. Tema ngayong taon ang paghahanda para sa isang major earthquake, upang gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang disaster preparedness at hindi lamang manatiling slogan.
Sa exercise scenario ngayong taon, ipinapalagay ang isang magnitude 7.3 earthquake at kasunod na tsunami sa coastal areas. Magsasagawa ang central at local governments, kasama ang private sector, ng large-scale disaster response exercises, emergency alert transmission at tsunami warning tests.
Sinabi ni Interior Minister Liu Shyh-fang na maraming natutunan ang Taiwan mula sa 1999 Jiji o 921 Earthquake. Mula noon ay malaki na ang naging improvement sa disaster prevention technology at emergency response system ng bansa.
Ayon kay Liu, mahigit 170,000 certified disaster prevention specialists na ngayon ang nasa Taiwan at target na umabot sa 200,000 bago matapos ang taon. Mahalaga aniya ang kanilang papel bilang frontline safety network sa mga communities, companies, schools at residential buildings.
Sinabi naman ni Education Minister Cheng Ying-yao na maraming disaster preparedness experiences ng Taiwan ang maaaring ibahagi sa ibang bansa. Sa panahon ng extreme weather at compound disasters, mas malinaw aniyang walang hangganan ang epekto ng mga kalamidad.
Binigyang-diin ni Cheng na mahalagang magsimula ang disaster education sa mga paaralan. Dapat matutunan ng mga bata at kabataan kung paano kilalanin ang panganib, umiwas sa disaster risks at tumulong sa isa’t isa upang magkaroon sila ng resilience habang lumalaki.
Magpapatuloy ang National Disaster Prevention Day activities hanggang katapusan ng Oktubre. Kabilang dito ang disaster science carnival sa National Taiwan Science Education Center, isang special National Disaster Prevention Day event sa National Museum of Natural Science sa Setyembre 20, at workshops tungkol sa paghahanda ng emergency go-bag sa National Science and Technology Museum.
Layunin ng mga aktibidad na gawing praktikal at bahagi ng daily routine ang disaster preparedness. Ang pangunahing mensahe ng kampanya: mas maraming paghahanda sa normal na panahon, mas mababa ang panganib at pagsisisi kapag dumating ang sakuna.