Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Allianz Wealth Report: Taiwan Pang-Lima Sa Mundo Sa Net Financial Assets Per Capita

01/10/2026 13:50
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Ayon sa 2026 Allianz Global Wealth Report ng German financial services company na Allianz, umabot sa €164,470, o around NT$5.94 million, ang net financial assets per capita ng Taiwan, kaya pang-lima ito sa buong mundo. (Photo source: CNA)
Ayon sa 2026 Allianz Global Wealth Report ng German financial services company na Allianz, umabot sa €164,470, o around NT$5.94 million, ang net financial assets per capita ng Taiwan, kaya pang-lima ito sa buong mundo. (Photo source: CNA)

Inilabas ng German financial services company na Allianz Group ang 2026 Allianz Global Wealth Report, na nagpapakitang umabot sa €164,470, o humigit-kumulang NT$5.94 milyon, ang net financial assets per capita ng Taiwan. Dahil dito, nanatili ang Taiwan sa ikalimang puwesto sa buong mundo, kapareho ng ranking nito noong nakaraang taon. Nangunguna lamang dito ang United States, Switzerland, Denmark at Singapore.

Sinuri ng 2026 Allianz Global Wealth Report ang financial assets at liabilities ng mga household sa halos 60 bansa. Ayon sa report, umabot sa record high ang global household wealth noong 2025. Gayunman, habang lumalaki ang kita mula sa financial markets at patuloy ang pag-usbong ng artificial intelligence o AI, lalong nagiging mahalaga ang ownership ng assets sa pagtukoy kung sino ang makikinabang sa paglikha ng yaman sa hinaharap.

Sa kabila ng komplikadong political at economic environment, umabot sa record na €268.4 trillion ang global financial assets noong 2025, na may annual growth rate na 8.6%. Tinatayang mananatiling matatag ang paglago ng global financial assets sa humigit-kumulang 9% noong 2026. Gayunman, nagbabala ang report na maaaring maging mas mahirap ang medium-term economic environment dahil sa mabagal na economic growth, persistent inflation, geopolitical fragmentation at mataas na government debt, na maaaring magbigay ng pressure sa investment returns.

Pagsapit ng katapusan ng 2025, tumaas ng 8.7% ang kabuuang financial assets ng mga household sa Taiwan at umabot sa €4.5 trillion. Bahagyang mas mababa ito sa 9.3% growth noong 2024 at mas mababa rin sa average na 9.8% sa iba pang Asian markets na sakop ng report, hindi kasama ang Japan at China. Gayunpaman, mas mataas pa rin ito kaysa sa global average na 8.6%.

Pinakamabilis ang paglago sa securities, na tumaas ng 17.7%. Mas mataas ito kumpara sa 4.9% growth ng deposits at 2.4% growth ng insurance at pension funds. Dahil dito, umakyat sa 34.9% ang bahagi ng securities sa financial asset allocation ng mga household sa Taiwan. Mas mataas ito sa 30.8% Asian regional average, ngunit nananatiling mas mababa sa 46.9% global average.

Kapag isinama ang epekto ng inflation, tumaas nang 6.9% sa real terms ang financial assets ng Taiwan noong 2025, halos kapareho ng 7% growth noong 2024. Mula 2019, umabot na sa 41.5% ang cumulative real growth ng financial assets sa Taiwan. Bahagyang mas mataas ito sa 39.6% regional average sa Asia at malaki ang agwat kumpara sa 22.9% global average. Sa net financial assets per capita na €164,470, nananatili ang Taiwan sa ikalimang puwesto sa buong mundo.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x