Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Kahina-Hinalang Chinese Research Ship, Pinaalis Ng Pilipinas Gamit Ang Pinakamalaking Patrol Vessel

02/10/2026 13:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Ayon sa Philippine Coast Guard, mula pa noong September 28 ay kumikilos ang Chinese research vessel na “Jia Hai Ke 7” sa waters off Batanes, sa hilagang bahagi ng Pilipinas malapit sa Taiwan. Dahil dito, ipinadala ng PCG ang pinakamalaki nitong patrol vessel para paalisin ang barko. (Photo source: Facebook ni Jay Tarriela)
Ayon sa Philippine Coast Guard, mula pa noong September 28 ay kumikilos ang Chinese research vessel na “Jia Hai Ke 7” sa waters off Batanes, sa hilagang bahagi ng Pilipinas malapit sa Taiwan. Dahil dito, ipinadala ng PCG ang pinakamalaki nitong patrol vessel para paalisin ang barko. (Photo source: Facebook ni Jay Tarriela)

Sinabi ng Philippine Coast Guard o PCG noong ika-1 na ipinadala nito ang pinakamalaking patrol vessel nito upang paalisin ang Chinese scientific research ship na “Jia Hai Ke 7” mula sa hilagang karagatan ng Pilipinas. Habang isinasagawa ang operasyon, pansamantalang nakialam ang China Coast Guard, dahilan upang maghinala ang panig ng Pilipinas na maaaring may koneksyon ang research vessel sa Chinese government.

Ayon sa Reuters, sinabi ng PCG na mula pa noong September 28 ay kumikilos ang “Jia Hai Ke 7” sa karagatan sa labas ng Batanes, malapit sa Taiwan. Pinaghihinalaan din itong gumagamit ng Automatic Identification System o AIS signals upang itago ang tunay nitong ruta.

Sinabi ni PCG spokesperson Jay Tarriela na ipinadala ng coast guard ang 97-meter patrol vessel na BRP Teresa Magbanua kasama ang isang aircraft sa naturang lugar. Umabot umano ang Philippine vessel sa loob ng humigit-kumulang 100 yards mula sa “Jia Hai Ke 7” at kalaunan ay napilitang itigil ng Chinese vessel ang hindi awtorisadong marine scientific research at umalis sa lugar na pinagtitigilan nito.

Gayunman, habang nagpapatuloy ang operasyon, ilang beses umanong umiwas at umikot ang “Jia Hai Ke 7” sa Philippine Coast Guard vessel. Kalaunan, dumating din ang isang China Coast Guard ship na sinubukang protektahan ang research vessel at nagbigay ng warning sa Philippine side sa pamamagitan ng radyo.

Ang lugar kung saan nakita ang “Jia Hai Ke 7” ay nasa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone ng Pilipinas. Ayon sa PCG, patuloy pa rin nilang mino-monitor ang research vessel upang matiyak na tuluyan itong makakaalis sa Philippine EEZ.

Sinabi rin ng PCG na bagama’t pag-aari ng isang private company ang “Jia Hai Ke 7,” ang pagpasok ng China Coast Guard upang suportahan ito ay nagdulot ng hinala na maaaring may kaugnayan sa Chinese government ang mga aktibidad ng barko.

Nagbabala si Tarriela na may mahahalagang undersea cables sa paligid ng Batanes at Luzon Strait na nag-uugnay sa Pilipinas sa Northeast Asia at Indo-Pacific region. Aniya, kung itinatago ng isang research vessel ang lokasyon nito at nananatili nang matagal sa isang partikular na lugar, maaaring malagay sa panganib ang seguridad ng mga kable sa ilalim ng dagat. Posible rin umanong magamit sa military purposes ang mga datos na nakokolekta nito.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x