Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Taiwan National Day Light Show, Gugunitain Ang 30 Taon Ng Presidential Elections

02/10/2026 13:50
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Habang papalapit ang Double Ten National Day, nagsagawa ang ROC Armed Forces ng full air rehearsal noong umaga ng ika-2. Sa finale, lumipad sa ibabaw ng Presidential Office ang limang T-BE5A Brave Eagle advanced jet trainers ng Air Force Thunder Tigers Aerobatics Team habang naglalabas ng makukulay na smoke trails. (Photo source: CNA)
Habang papalapit ang Double Ten National Day, nagsagawa ang ROC Armed Forces ng full air rehearsal noong umaga ng ika-2. Sa finale, lumipad sa ibabaw ng Presidential Office ang limang T-BE5A Brave Eagle advanced jet trainers ng Air Force Thunder Tigers Aerobatics Team habang naglalabas ng makukulay na smoke trails. (Photo source: CNA)

Mula noong 2017, nagsasagawa ang General Association of Chinese Culture ng light projection show sa gusali ng Presidential Office tuwing National Day. Ngayong taon, ika-10 taon na ng programa. Dahil kasabay ito ng ika-30 anibersaryo ng direktang halalan sa pangulo, ang tema ngayong taon ay “Democratic Taiwan, Heartbeat of the World.” Sa pamamagitan ng ilaw at visuals, ilalahad ng show ang pag-unlad ng demokrasya sa Taiwan. Bilang bahagi rin ng tema, naglabas ang organizer ng 11 uri ng “Democratic Taiwan Commemorative Badges” bilang pag-alala sa mga demokratikong kilusan ng iba’t ibang henerasyon at bilang paalala na pahalagahan ang kalayaang tinatamasa ngayon.

Nagsagawa ngayong ika-2 ang Presidential Office ng press conference para sa 2026 National Day Presidential Office Building Light Show, kung saan ipinaliwanag ng design team ang konsepto at highlights ng programa. Sinabi ni Presidential Office Secretary-General Pan Men-an na ang Presidential Office ay dating simbolo ng sentralisadong kapangyarihan, ngunit unti-unti itong naging mas bukas sa publiko matapos magkaroon ng direktang inihahalal na pangulo. Ngayon, sa pamamagitan ng National Day light show, babalikan ang 30 taon ng demokratikong pag-unlad ng Taiwan gamit ang kultura, video, animation at iba’t ibang creative works.

Ayon kay Pan, ang paggamit ng video, kultura at animation ay paraan upang ikuwento ang modernong kasaysayan ng Taiwan sa nakalipas na 30 taon. Dagdag niya, hindi lamang nito inaalala ang pinagdaanan ng Taiwan sa proseso ng demokrasya, kundi ipinapakita rin ang pag-asa na mapanatili ang demokrasya para sa susunod pang mga dekada at para sa mga susunod na henerasyon.

Sinabi naman ni Lee Hou-ching, secretary-general ng General Association of Chinese Culture, na mahigit 300 beses nang naitanghal ang National Day building light show at mahigit 600,000 katao na ang nakapanood nito. Nakatulong din aniya ang programa upang maipakita sa mga international visitors ang iba’t ibang mukha ng Taiwan. Ngayong taon, pangungunahan muli ng artist na si Chen Yi-chieh ang production bilang artistic director sa ikawalong sunod na pagkakataon. Kasama sa team sina music director Yu Chia-lun, narration scriptwriter Wang Ching-tun at film editing director Lin Yung-yi. Inimbitahan din ang actress na si Lien Yu-han, na lumabas sa ilang period dramas gaya ng A Touch of Green, Port of Lies at Untold Herstory, upang magbigay ng voice narration.

Ayon kay artistic director Chen Yi-chieh, inimbitahan din ngayong taon bilang consultant si Chiu Wan-hsing, na mahigit 40 taon nang nagdo-document ng demokratikong kasaysayan ng Taiwan sa pamamagitan ng larawan at video. Ilalabas sa projection show ang mahahalagang historical images sa mahigit isang siglong gusali ng Presidential Office.

Nagsagawa rin ang production team ng workshops sa Dongmen Elementary School at Nanmen Elementary School, kung saan nakalikom sila ng mahigit 600 drawings ng Yushan o Jade Mountain na ginawa ng mga bata. Ayon sa team, mula sa unang direktang presidential election noong 1996 hanggang ngayon, lumampas na sa 100 milyong boto ang kabuuang naihulog sa Taiwan. Kapag pinagsama-sama umano ang mga balota, halos katumbas ito ng taas ng tatlong Yushan. Para sa organizers, ang demokrasya ang isa sa pinakamalaking bagay na ipinagmamalaki ng Taiwan.

Ayon sa General Association of Chinese Culture, gaganapin ang light show mula October 7 hanggang 10 sa Ketagalan Boulevard. Magkakaroon ng show kada 30 minuto mula 7:00 PM hanggang 9:30 PM bawat gabi. Sa October 7, magsisimula ito ng 7:30 PM dahil may opening lighting ceremony.

Samantala, ang 11 uri ng “Democratic Taiwan Commemorative Badges” ay magiging available simula alas-12 ng tanghali ngayong ika-2 sa capsule toy machine sa Chengnan Space NO.1. Maaari rin itong makuha sa booth ng General Association of Chinese Culture sa Ketagalan Boulevard habang ginaganap ang light show.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x