Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Mahigit 200 Suspek Arestado Sa Crackdown Laban Sa Online Scam Sa Pilipinas, Karamihan Chinese

06/10/2026 10:20
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Mahigit 200 katao ang naaresto sa crackdown ng Pilipinas laban sa online scam operations. (Photo source: Pexels)
Mahigit 200 katao ang naaresto sa crackdown ng Pilipinas laban sa online scam operations. (Photo source: Pexels)

Sinabi ng Bureau of Immigration ng Pilipinas na mahigit 200 dayuhang suspek ang naaresto sa malawakang operasyon laban sa mga ilegal na online gambling operator sa katimugang bahagi ng bansa. Karamihan sa mga naaresto ay Chinese nationals.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse o AFP, ipinagbawal ng Pilipinas noong 2024 ang mga online gambling operator dahil ginagamit umano ng ilang kriminal na grupo ang mga ito bilang takip para sa mga aktibidad tulad ng human trafficking, money laundering, online scam, kidnapping at murder.

Noong Oktubre 2, sinalakay ng militar ng Pilipinas at iba pang law enforcement agencies ang dalawang lugar sa Zamboanga Sibugay province sa katimugang bahagi ng bansa.

Sa pahayag na inilabas ng Bureau of Immigration noong gabi ng Oktubre 3, sinabi nitong 110 Chinese nationals, dalawang Cambodian at isang Hong Kong national ang naaresto sa isa sa mga lugar na sinalakay.

Sa ikalawang lokasyon naman, 131 dayuhan ang naaresto. Karamihan sa kanila ay Chinese nationals, habang mayroon ding mga mamamayan ng Malaysia, Indonesia at Myanmar.

Ayon sa Bureau of Immigration, malaking bilang ng computer equipment, mobile phone, laptop at SIM card ang nakumpiska mula sa mga lugar na sinalakay.

Iniimbestigahan ngayon ng pamahalaan ng Pilipinas kung may ilang naaresto na posibleng sangkot sa mga krimeng may kaugnayan sa human trafficking. Ang iba naman ay nakatakdang ipa-deport mula sa bansa.

Samantala, sinabi ni Ji Lingpeng, tagapagsalita ng Chinese Embassy sa Pilipinas, sa AFP na nakikipag-ugnayan na sila sa mga law enforcement agency ng Pilipinas upang alamin ang mga detalye ng kaso.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x