May panibagong development sa military cooperation ng Taiwan at United States. Ayon sa ulat ng local media, nakatakdang magkaroon ng malaking upgrade ang ugnayang militar ng dalawang panig. Bukod sa daan-daang US military instructors na pabirong tinatawag na “English teachers” na inaasahang pupunta sa Taiwan para tumulong sa training, sinasabing magpapadala rin ang Pentagon ng personnel na direktang magtatrabaho sa Ministry of National Defense ng Taiwan.
Kung matutuloy ito, mangangahulugan itong magkakaroon ang US side ng mas direktang presensya sa mismong sentro ng defense decision-making ng Taiwan, at lalo pang tataas ang antas ng military coordination sa pagitan ng Taipei at Washington.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Defense Minister Wellington Koo ngayong ika-6 ng Oktubre sa isang panayam sa Legislative Yuan na mas naging malapit nga ang military at national security cooperation ng Taiwan at United States kumpara noon. Gayunman, sinabi niyang hindi niya maaaring ihayag sa publiko ang aktuwal na detalye ng kanilang cooperation.
Ayon kay Koo, ginagamit ng Taiwan ang combat experience ng Estados Unidos at ang assessment ng mga eksperto nito sa usaping militar at national security. Aniya, nakatutulong ito sa pagpapalakas ng armed forces, paghahanda para sa posibleng conflict, at pagbabago ng combat capabilities ng Taiwan. Gayunman, binigyang-diin niyang hindi nararapat na ilabas sa publiko ang mga detalye ng naturang cooperation.
Samantala, dalawang F-16V Block 70 fighter jets na binili ng Taiwan mula sa Estados Unidos ang matagumpay umanong lumipad mula Hawaii patungong Taiwan matapos ang tinatawag na “Trump-Xi meeting.”
Tinanong din ng media si Koo kung may plano ang Estados Unidos na ianunsyo sa malapit na panahon ang matagal nang naantalang ikalawang batch ng arms sales para sa Taiwan. Sinabi niyang iginagalang ng Taiwan ang review at approval process ng US government.
Ayon kay Koo, paulit-ulit na binibigyang-diin ng Estados Unidos na hindi nagbabago ang commitment nito na tulungan ang Taiwan na palakasin ang sariling defense capabilities alinsunod sa Taiwan Relations Act at Six Assurances. Pagdating naman sa arms sales, sinabi niyang patuloy ang coordination ng Taiwan at United States habang hinihintay ang proseso ng pagsusuri ng Washington.
May mga ulat din na para maiwasang labis na ma-provoke ang China, pinag-iisipan umano ng Estados Unidos na hati-hatiin at ipatupad nang paisa-isa ang isang US$14 billion arms sales package para sa Taiwan.
Tugon ni Koo, wala pa silang natatanggap na impormasyon na may plano ngang hatiin sa maraming batch ang naturang arms package. Sinabi niyang kapag nakatanggap ang Ministry of National Defense ng opisyal na impormasyon tungkol dito, saka sila magbibigay ng karagdagang paliwanag sa publiko.