Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Lai Sa Asian Games Athletes: Anuman Ang Kulay Ng Medalya, Karangalan Ito Ng Bansa

06/10/2026 14:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Noong October 6, tinanggap ni President Lai Ching-te sa Presidential Office ang Taiwan delegation para sa 2026 20th Aichi-Nagoya Asian Games. Pinasalamatan niya ang mga athletes sa kanilang hard work at sa pagbibigay ng karangalan sa bansa. (Photo source: Central News Agency)
Noong October 6, tinanggap ni President Lai Ching-te sa Presidential Office ang Taiwan delegation para sa 2026 20th Aichi-Nagoya Asian Games. Pinasalamatan niya ang mga athletes sa kanilang hard work at sa pagbibigay ng karangalan sa bansa. (Photo source: Central News Agency)

Matapos ang pagtatapos ng Nagoya Asian Games, tinanggap ni President Lai Ching-te ngayong ika-6 ng Oktubre sa Presidential Office ang Taiwan delegation at pinasalamatan ang lahat ng athletes sa kanilang pagsisikap sa international stage. Sinabi ni Lai na anuman ang kulay ng medalya, isa pa rin itong karangalan para sa bansa.

Ginamit din niya bilang halimbawa ang Major League Baseball star na si Shohei Ohtani upang hikayatin ang mga atleta na patuloy na magsikap kahit makaranas ng kabiguan. Ayon sa pangulo, bawat patak ng pawis ng mga atleta ay kinikilala at pinahahalagahan ng gobyerno, at patuloy silang susuportahan.

Sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games, nagtapos ang Taiwan delegation na may 5 gold medals, 17 silver medals, at 33 bronze medals. Noong ika-6 ng Oktubre, personal na tinanggap ni Lai sa Presidential Office ang delegation ng Taiwan para sa ika-20 edisyon ng Asian Games.

Sa kanyang talumpati, unang binati ng pangulo ang lahat ng Taiwanese athletes sa kanilang pagbabalik sa bansa. Pinasalamatan niya sila sa ngalan ng bansa at pinuri ang kanilang performance sa international competitions. Binigyang-diin niya na anuman ang kulay ng medalya, lahat ng ito ay karangalan ng Taiwan.

Sinabi rin ni Lai na noong i-turn over niya ang watawat sa delegation sa National Sports Training Center bago ang kompetisyon, hinikayat niya ang mga atleta sa pagsasabing ang entabladong iyon ay para sa kanila. Umaasa siyang kapag sumabak sila sa international stage ay maniniwala sila sa kanilang sarili at ibibigay ang kanilang buong kakayahan.

Dagdag niya, kahit ang mga atletang hindi nakakuha ng medalya ay mahalaga pa rin ang kontribusyon sa bansa dahil dumaan sila sa maraming taon ng pagsasanay at nalampasan ang mga injury, pagkabigo, at iba pang pagsubok.

Bilang isang baseball fan, ginamit ni Lai si Shohei Ohtani bilang halimbawa. Sinabi niyang kahit ang pinakamahuhusay na atleta ay nakakaranas ng walks, wild pitches, home runs laban sa kanila, o strikeouts. Kaya naman, gusto niyang tandaan ng mga atleta na ang mismong pag-abot sa international stage ay isa nang ipinagmamalaki ng bansa.

Aniya, hindi lamang team, coaches, pamilya, at ang pangulo ang nasa likod ng mga atleta. Nangako rin siyang ibibigay ng gobyerno ang pinakamalakas na suportang posible.

Sinabi ni Lai na ang bawat patak ng pawis ng mga atleta ay karapat-dapat sa pasasalamat at pagkilala ng gobyerno. Hinikayat niya ang lahat, nakakuha man ng medalya o hindi, na patuloy na magsikap.

Isa-isa ring pinuri ni Lai ang performance ng ilang Taiwanese athletes. Kabilang dito ang high jumper na si Fu Chao-hsuan, na nagtapos umano sa 60 taong paghihintay ng Taiwan para sa Asian Games gold medal sa athletics.

Pinuri rin niya ang swimmer na si Wang Kuan-hung, at sinabi niyang tumayo pa siya at pumalakpak nang manalo ito ng medalya. Binanggit din niya ang boxer na si Lin Yu-ting, na muling nakakuha ng Asian Games gold medal.

Kinilala rin ng pangulo ang 12-anyos na si Ku Yung-yen at 14-anyos na si Lin Yi-fan, na sa murang edad ay nakapagbigay na umano ng karangalan sa bansa.

Partikular ding pinuri ni Lai ang tinaguriang “Boxing Queen” na si Chen Nien-chin. Bagama’t natalo siya sa gold medal match, pinuri ng pangulo ang ginawa niyang pagyakap at pagbuhat sa kanyang Indian opponent pagkatapos ng laban.

Sa pagbabahagi naman ng kanyang karanasan, nagpasalamat si Chen sa kanyang coach at training team sa kanilang suporta. Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga atletang patuloy na nagsasanay at naghahanda para sa mas malalaking kompetisyon.

Ayon kay Chen, mahalagang ipunin ang maliliit na improvement araw-araw dahil maaaring mas malayo ang marating ng isang atleta kaysa sa inaakala niya. Sinabi rin niyang kapag nahaharap sa problema, huwag matakot magsalita at hayaang samahan ng team ang isang atleta sa kanyang paglago.

Hinimok din niya ang mga atleta na kapag mayroon silang sapat na lakas at kakayahan, huwag kalimutang suportahan at palakasin ang loob ng mga taong nasa kanilang paligid.

Samantala, sinabi ni Sports Minister Lee Yang na napakalaki ng pagsisikap na ibinigay ng mga atleta at coaches. Nagpasalamat siya sa kanilang lahat sa ngalan ng Ministry of Sports, gayundin sa mga tauhang nagbibigay ng logistical at iba pang suporta sa likod ng kompetisyon.

Dahil ang bilang ng gold medals na nakuha ng Taiwan ngayong Asian Games ang pinakamababa sa loob ng 36 taon, sinabi ni Lee na malinaw na mayroon pang puwang para sa improvement. Nangako siyang patuloy na magpaplano ang Ministry of Sports upang mas maayos na maalagaan at masuportahan ang mga atleta ng Taiwan.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x