Tinanggap ni President Lai Ching-te sa Presidential Office noong Oktubre 6 ang Taiwan delegation mula sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games, matapos ang pagtatapos ng kompetisyon. Nagpasalamat siya sa lahat ng athletes sa kanilang pagsisikap sa international stage at sinabi na anuman ang kulay ng medalya, bawat tagumpay ay karangalan para sa bansa.
Nagtapos ang Taiwan delegation sa Asian Games na may kabuuang 5 gold, 17 silver at 33 bronze medals. Sinabi ni Lai na bago umalis ang delegation ay pinaalalahanan niya ang mga atleta na ang international stage ay para sa kanila at kailangan nilang maniwala sa kanilang sarili at ibigay ang kanilang buong kakayahan. Binigyang-diin niyang mahalaga rin ang mga atletang hindi nakakuha ng medalya dahil taon ng training, injuries at setbacks ang kanilang pinagdaanan upang makarating sa Asian Games.
Bilang isang baseball fan, ginamit ni Lai bilang halimbawa ang MLB superstar na si Shohei Ohtani. Sinabi niyang kahit ang pinakamahuhusay na athletes ay nakakaranas ng walks, wild pitches, home runs mula sa kalaban o strikeouts. Hinikayat niya ang Taiwan athletes na huwag panghinaan ng loob sa setbacks at patuloy na magsikap. Aniya, bawat patak ng pawis ng mga atleta ay kinikilala at pinahahalagahan ng pamahalaan.
Partikular na pinuri ni Lai ang ilang Taiwanese athletes, kabilang ang high jumper na si Fu Chao-hsuan, na nagtapos sa 60-taong paghihintay ng Taiwan para sa Asian Games athletics gold; swimmer Wang Kuan-hung; at Olympic boxing champion Lin Yu-ting, na muling nanalo ng Asian Games gold. Pinuri rin niya ang 12-year-old na si Ku Yung-yen at 14-year-old na si Lin Yi-fan sa kanilang performances sa murang edad.
Nagbigay rin ng espesyal na pagkilala si Lai kay boxing star Chen Nien-chin. Bagama’t natalo siya sa gold medal match, pinuri ng pangulo ang kanyang sportsmanship matapos niyang buhatin ang kanyang Indian opponent pagkatapos ng laban. Sinabi naman ni Chen na ang maliliit na improvement araw-araw ay maaaring magdala sa isang atleta nang mas malayo kaysa sa kanyang inaakala, at hinikayat niya ang mga kabataang atleta na humingi ng tulong sa kanilang team kapag nahaharap sa difficulties.
Sinabi naman ni Sports Minister Lee Yang na malaki ang sakripisyo ng athletes, coaches at support teams at patuloy silang susuportahan ng Ministry of Sports. Dahil ang bilang ng gold medals ng Taiwan ngayong Asian Games ang pinakamababa sa loob ng 36 taon, kinilala ni Lee na marami pang kailangang pagbutihin at nangakong patuloy na palalakasin ang mga programa upang mabigyan ng mas mahusay na training, resources at overall support ang Taiwan’s athletes.