Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Pelosi Nakipagpulong kay Tsai Ing-wen: Suporta ng U.S. Congress sa Taiwan at Kalayaan, Hindi Magbabago

08/10/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 呂曉倩
Nancy Pelosi, photo from X @SpeakerPelosi
Nancy Pelosi, photo from X @SpeakerPelosi

Nakipagpulong sa San Francisco noong October 6 si former Taiwan President Tsai Ing-wen kay former U.S. House Speaker Nancy Pelosi. Matapos ang kanilang pagkikita, sinabi ni Pelosi na si Tsai ay isang “courageous defender of democracy” at “dear friend of America,” at binigyang-diin na nananatiling matatag ang commitment ng U.S. Congress sa mga mamamayan ng Taiwan at sa kanilang kalayaan.

Naganap ang pagkikita sa ikalawang araw ng pagbisita ni Tsai sa United States. Nagkita ang dalawa sa hotel na tinutuluyan ni Tsai sa San Francisco.

Bilang regalo, binigyan ni Tsai si Pelosi ng scarf na gawa ng C JEAN, brand ng Taiwanese designer na si Jean Chien. Ang disenyo ng scarf ay hango sa karagatan at makukulay na coral reefs ng Taiwan, bilang simbolo ng Taiwan bilang isang island nation.

Ang parehong designer din ang gumawa ng damit na isinuot ni Vice President Hsiao Bi-khim sa isang diplomatic reception noong May 2024.

Matapos ang kanilang pagkikita, nag-post si Pelosi sa social media at sinabing ikinararangal niyang muling makasama si Tsai. Nagbahagi rin siya ng larawan nilang dalawa, kung saan makikita ang berdeng scarf na regalo sa kanya ng former president.

Ayon kay Pelosi, malalim at matatag ang ugnayan ng United States at Taiwan, at hindi nagbabago ang commitment ng U.S. Congress sa Taiwan at sa kalayaan ng mga mamamayan nito.

Noong August 2022, bumisita si Pelosi sa Taiwan habang siya ay U.S. House Speaker, at naging unang sitting House Speaker sa loob ng 25 taon na bumisita sa bansa.

Ginawaran siya noon ni Tsai, na presidente pa ng Taiwan, ng Order of Propitious Clouds with Special Grand Cordon bilang pagkilala sa kanyang matagal nang suporta sa Taiwan. Sinabi rin ni Pelosi noong panahong iyon na hindi tatalikuran ng United States ang commitment nito sa Taiwan.

Samantala, nakatakdang dumalo si Tsai sa 2026 Technology and National Security Conference na inorganisa ng Stanford DEFCON sa October 7. Dumalo rin siya sa VIP dinner ng conference noong gabi ng October 6 upang makipagpalitan ng pananaw sa mga international guests.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x