Ipinagdiwang ng Test of Chinese as a Foreign Language o TOCFL ang ika-25 anibersaryo nito noong Oktubre 8. Pinangunahan ng Steering Committee for the Test of Proficiency-Huayu, o SC-TOP, ang isang commemorative event na dinaluhan ng local at international partners, kasama ang 50 examinees na nakapasa sa advanced proficiency levels. Ibinahagi ng mga participants kung paano nakatulong ang pag-aaral ng Mandarin sa kanilang edukasyon, trabaho at personal development.
Sinimulang i-develop ang TOCFL noong 2001 at sa nakalipas na 25 taon ay lumawak ang operasyon nito sa 77 countries. Sa pamamagitan ng Taiwan’s overseas representative offices, international testing partners at iba't ibang examination formats, umabot na sa mahigit 1.3 million ang cumulative number of test takers sa buong mundo hanggang katapusan ng Agosto ngayong taon. Mayroon na rin itong 194 strategic partner institutions.
Kabilang sa mga dumalo ang dalawang examinees mula sa Belgium at United States na nakapasa sa advanced level ng TOCFL. Pareho silang nagsimulang matuto ng Mandarin sa pamamagitan ng self-study o school electives bago nagpasyang mag-aral sa Taiwan. Sa kanilang presentation, gumamit sila ng fluent Mandarin upang ilarawan ang kahalagahan ng pagkain sa Taiwanese culture, festivals at everyday life, na umani ng masigabong palakpakan.
Sinabi ni Deputy Education Minister Liu Kuo-wei na naging mahalagang reference ang TOCFL para sa mga unibersidad sa Taiwan sa pag-assess ng Chinese-language proficiency ng international students. Sa pagpasok ng AI era, nais ng Ministry of Education na palawakin ang digitalization ng Mandarin learning at testing upang mas maraming tao ang makakuha ng pagsusulit, lalo na ang mga nakatira sa malalayong lugar.
Ayon kay Liu, kasalukuyang isinusulong ng ministry ang AI-powered Mandarin learning platform, na target umabot sa A2 level ngayong taon at C1 level sa susunod na taon. Pangmatagalang layunin din ng ministry na magkaroon ng online at AI-assisted TOCFL examinations, upang hindi na maging hadlang ang distansya sa pagkuha ng Chinese proficiency test.
Sinabi naman ni Sung Yao-ting, president ng National Taiwan Normal University at chairman ng SC-TOP, na may dalawang pangunahing layunin ang TOCFL sa hinaharap: palawakin ang serbisyo para sa international students at professionals na nangangailangan ng Traditional Chinese, at palakasin ang papel ng Taiwan sa Chinese-language education at cultural research. Binigyang-diin niyang maraming mahalagang academic at cultural contributions ang Taiwan na dapat mas makilala sa buong mundo.