Binigyang-diin ni former Taiwan President Tsai Ing-wen na ang Taiwan ay hindi lamang isang bansang nangangailangan ng security assistance, kundi isang mahalagang partner sa pagpapanatili ng global stability. Ginawa niya ang pahayag sa Stanford DEFCON 2026 Technology and National Security Conference noong Oktubre 7, U.S. West Coast time, sa kanyang speech na may pamagat na “Building Security Together: Taiwan’s Role in Global Stability.”
Ayon kay Tsai, kapag pinag-uusapan ang Taiwan sa international news, madalas itong inilalarawan bilang isang lugar na nahaharap sa security risks at nangangailangan ng tulong mula sa ibang bansa. Ngunit sinabi niyang hindi nito lubos na ipinapakita ang kontribusyon ng Taiwan sa global security. Mayroon aniyang advanced manufacturing capabilities, highly skilled engineers at integrated electronics supply chain ang Taiwan na mahalaga sa international technology at industrial development.
Ipinaliwanag ni Tsai na ang Taiwan Strait ay isa sa mahahalagang shipping routes para sa global trade at energy transportation. Malalim din ang pagkakaugnay ng Taiwan sa international technology at manufacturing networks. Dahil dito, sinabi niyang anumang malaking disruption sa Taiwan ay maaaring magkaroon ng malawak na epekto hindi lamang sa Indo-Pacific region kundi maging sa iba pang bahagi ng mundo.
Ginamit ni Tsai bilang halimbawa ang artificial intelligence industry. Ayon sa kanyang presentation, humigit-kumulang 75 percent ng global AI computing capacity ay nasa United States, habang halos lahat ng advanced chips na ginagamit ng mga sistemang ito ay ginagawa ng Taiwanese companies. Sinabi rin niyang humigit-kumulang 90 percent ng AI servers na gumagamit ng mga chip na ito ay ginagawa ng Taiwan-based companies. Malaki rin ang papel ng Taiwanese manufacturers sa equipment, materials, communication systems, cooling technology, power systems at iba pang critical components.
Binigyang-diin niya na ang security technology ay hindi sapat na maging advanced lamang. Kailangan din itong mass-produce, mabilis na i-adjust at ma-deliver sa tamang oras. Ayon kay Tsai, ang ganitong manufacturing flexibility at problem-solving capability ay resulta ng ilang dekadang industrial development ng Taiwan. Hinikayat niya ang democratic partners na pagsamahin ang kanilang technological at industrial strengths upang magkaroon ng mas resilient na security supply chains.
Nakatanggap si Tsai ng standing ovation matapos ang kanyang speech sa Stanford University. Sa kanyang campus visit, nakipagkita rin siya sa Taiwanese students at nagbigay ng autographs, kabilang ang mensaheng “Graduate soon.” Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, muling binigyang-diin ni Tsai na ang mas malalim na cooperation sa Taiwan ay hindi lamang makatutulong sa seguridad nito, kundi makapagpapalakas din sa stability ng Indo-Pacific at resilience ng democratic countries. Aniya, “Taiwan is not just an important partner, but an indispensable partner.”