Plano ng Taiwan government na magbigay ng NT$10,000 universal cash handout sa mga kwalipikadong residente bago ang 2027 Lunar New Year, kung maipapasa sa tamang oras ang national budget. Sinabi ni Premier Cho Jung-tai noong Oktubre 8 na dahil sa malakas na paglago ng artificial intelligence industry, inaasahang aabot sa 11.05 percent ang economic growth ng Taiwan ngayong taon, ang pinakamataas sa loob ng 39 taon.
Ayon kay Cho, ang paglago ng ekonomiya ay nakatutulong din sa pagtaas ng government tax revenues. Dahil dito, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang NT$235.7 billion para sa cash distribution program. Binigyang-diin niyang isasagawa ang programa nang hindi nadaragdagan ang government borrowing at nang hindi naaapektuhan ang mahahalagang budget para sa national security, economic development at public services.
Upang mapabilis ang implementation, bumuo ang Executive Yuan ng special task force na pamumunuan ni Secretary-General Chang Tun-han. Makikipagtulungan dito ang Ministry of Finance, Ministry of Digital Affairs, Financial Supervisory Commission, Ministry of Transportation and Communications at anti-fraud authorities. Kabilang sa paghahanda ang online registration system, ATM withdrawals, post office distribution, customer service at anti-scam measures.
Sinabi ng Executive Yuan na nakadepende ang distribution schedule sa approval ng 2027 central government budget. Kung maipapasa ito ng Legislative Yuan bago ang Enero 5, 2027, at mapipirmahan at maipapahayag ng pangulo bago ang Enero 20, inaasahang maaaring magsimula ang online registration sa Enero 25, 2027. Layunin ng pamahalaan na masimulan ang pamamahagi bago ang Lunar New Year.
Ayon sa Ministry of Finance, kabilang sa mga kwalipikadong tatanggap ang Taiwanese citizens na may household registration, nationals without household registration na may valid residence permits, foreign nationals na may permanent residence permits o APRC, at foreign, Chinese, Hong Kong at Macau spouses ng Taiwanese citizens na may valid residence permits. Kasama rin ang government personnel na opisyal na nakatalaga sa ibang bansa at ang kanilang qualified Taiwanese family members. Plano ring isama ang mga sanggol na ipapanganak bago matapos ang 2027.
May limang paraan ng pagtanggap ng NT$10,000: online registration para sa bank transfer, ATM cash withdrawal, post office cash withdrawal, automatic direct deposit, at special distribution arrangements para sa ilang designated groups. Dadagdagan din ang participating ATM banks sa 17, kabilang ang Shanghai Commercial and Savings Bank. Sa kasalukuyang plano, hanggang Agosto 31, 2027 maaaring kunin ng karamihan sa eligible recipients ang kanilang cash assistance, habang ang mga sanggol na ipapanganak mula Agosto hanggang Disyembre 2027 ay magkakaroon ng extended claiming period hanggang Enero 31, 2028.
Paalala sa broadcast: Ang NT$10,000 cash handout ay proposed at subject pa sa budget approval. Hindi pa ito kumpirmadong magsisimula sa Enero 25, 2027.