Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

Taiwan Representative to the U.S.: Washington's Policy Toward Taiwan Remains Unchanged, Arms Sales Expected to Continue

12/10/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
PD
Taiwan Representative Alexander Yui Delivers Remarks at Double Ten National Day Reception in Washington
The Taipei Economic and Cultural Representative Office in the United States hosted a Double Ten National Day reception at Twin Oaks in Washington, D.C., on the evening of October 7. Taiwan Representative to the U.S. Alexander Yui delivered remarks at the event. (CNA photo by Hou Tzu-ying, Washington, October 8, 2026)
PD Taiwan Representative Alexander Yui Delivers Remarks at Double Ten National Day Reception in Washington The Taipei Economic and Cultural Representative Office in the United States hosted a Double Ten National Day reception at Twin Oaks in Washington, D.C., on the evening of October 7. Taiwan Representative to the U.S. Alexander Yui delivered remarks at the event. (CNA photo by Hou Tzu-ying, Washington, October 8, 2026)

Binigyang-diin ni Taiwan Representative to the United States Alexander Yui na nananatiling matatag ang relasyon ng Taiwan at United States, at inaasahang magpapatuloy ang American arms sales sa Taiwan. Ginawa niya ang pahayag sa Double Ten National Day reception na ginanap noong gabi ng Oktubre 7 sa Twin Oaks estate sa Washington, D.C. Ayon kay Yui, malinaw sa naging pagpupulong nina U.S. President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping noong huling bahagi ng Setyembre na walang pagbabago sa posisyon ng Washington tungkol sa Taiwan.


Sinabi ni Yui na patuloy na lumalawak ang Taiwan-U.S. relations sa larangan ng diplomacy, defense at economic cooperation. Binanggit niya ang pagbisita ni former President Tsai Ing-wen sa San Francisco, ang pagbubukas ng Taiwan's representative office sa Phoenix, Arizona, na ika-14 na tanggapan nito sa United States, at ang pagdating sa Taiwan noong Oktubre 2 ng unang dalawang F-16V Block 70 fighter jets mula sa kabuuang 66 aircraft na binili sa Amerika.
Ayon kay Yui, nagsasagawa rin ang Taiwan at United States ng mga hakbang upang palakasin ang economic security at supply chain resilience. Lumalawak ang kanilang partnership sa artificial intelligence, digital infrastructure at strategic supply chains. Binigyang-diin niyang ang kooperasyong ito ay nakabatay hindi lamang sa kanilang complementary industrial strengths kundi pati sa mutual trust. Sa harap ng patuloy na pressure mula sa Beijing, sinabi niyang unti-unting itinataas ng Taiwan ang defense spending bilang bahagi ng estratehiyang “peace through strength.”


Samantala, sinabi ni Ingrid Larson, Managing Director ng Washington headquarters ng American Institute in Taiwan o AIT, na nananatiling matatag ang commitment ng United States sa peace and stability across the Taiwan Strait. Ayon sa kanya, ang matagal nang relasyon ng dalawang panig ay nakabatay sa shared democratic values, common interests at lumalawak na trade relations. Binigyang-diin din niyang mahalagang bahagi ng U.S. regional policy ang pagpapanatili ng katatagan sa Taiwan Strait.
Dumalo sa National Day reception ang mga state legislators mula Maryland at West Virginia, gayundin ang diplomats mula sa Taiwan's diplomatic allies at like-minded countries. Nagpadala rin ng congratulatory messages sina U.S. House Speaker Mike Johnson at former House Speaker Nancy Pelosi. Kaugnay ng arms sales, sinabi ni Yui na nauunawaan ng Washington ang security threats na kinakaharap ng Taiwan mula sa China, kaya naniniwala siyang magpapatuloy ang pagbibigay ng defensive weapons. Tungkol naman sa US$14 billion arms sales package na naghihintay pa ng approval ng Trump administration, sinabi niyang iginagalang ng Taiwan ang proseso ng United States.


Tinanong din si Yui tungkol sa posibleng U.S. transit ni President Lai Ching-te sa kanyang pagbisita sa mga diplomatic allies. Ipinaliwanag niyang ang schedule ng presidential visits ay nakadepende sa Presidential Office, at makikipag-coordinate ang Taiwan's representative office sa U.S. authorities kapag nakatanggap na ito ng opisyal na impormasyon. Sinabi rin ni Yui na malugod niyang tatanggapin ang posibleng pagbisita ni former President Tsai Ing-wen sa Washington, D.C., sa angkop na panahon, dahil marami aniyang American friends ang umaasa sa pagkakataong makausap siyang muli.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x