Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Українська Sitemap

World Medical Association Reaffirms Support for Taiwan's Participation in WHO and Global Health Mechanisms

14/10/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 何薇薇
(World Medical Association,WMA)。(RT/(Photo: Dazhi Images))
(World Medical Association,WMA)。(RT/(Photo: Dazhi Images))

Muling pinagtibay ng World Medical Association o WMA ang suporta nito sa makabuluhang partisipasyon ng Taiwan sa World Health Organization o WHO at sa mga mekanismo ng International Health Regulations o IHR. Ayon sa ulat ng Central News Agency noong Oktubre 14, ang resolusyon ay muling kinumpirma sa 2026 WMA General Assembly na ginanap mula Oktubre 7 hanggang 10 sa Rotterdam, Netherlands, at naaprubahan nang walang pagtutol mula sa mga delegado.


Ayon sa Taiwan Medical Association, tinalakay sa General Assembly noong Oktubre 10 ang resolusyong unang inaprubahan ng WMA Council noong Abril sa Belgrade, Serbia. Nakasaad sa resolusyon ang suporta para sa partisipasyon ng Taiwan sa lahat ng WHO programs at ang pagsasama nito sa mga mekanismo ng International Health Regulations. Muling pinagtibay ng mga delegado ang resolusyon sa pamamagitan ng unanimous approval at palakpakan.


Ipinaliwanag ng Taiwan Medical Association na sa ilalim ng WMA procedures, kapag ang isang existing resolution ay muling kinumpirma ng General Assembly, sa prinsipyo ay hindi na ito maaaring muling isumite para sa reconsideration sa loob ng limang taon. Ayon sa asosasyon, mahalaga ito dahil nagpapatuloy ang institutional support ng international medical community para sa partisipasyon ng Taiwan sa global health system.


Kinatawan ang Taiwan sa pagpupulong ni Chang Pi-cheng, Secretary-General ng Taiwan Medical Association. Bago ang General Assembly, nakipag-coordinate siya sa Taiwan's Ministry of Foreign Affairs upang humingi ng suporta mula sa diplomatic missions ng like-minded countries. Sa panahon ng pagpupulong, nakipag-ugnayan din siya sa mga medical representatives mula sa Europe, United States at Asia-Pacific region. Dumalo rin siya sa isang event ng American Medical Association o AMA, at nakipag-cooperate sa international networks ng World Organization of Family Doctors o WONCA upang palawakin ang suporta para sa Taiwan.


Binigyang-diin ni Chang na ang global health cooperation ay dapat lumampas sa political considerations. Ayon sa kanya, may sapat na medical expertise, healthcare resources at public health experience ang Taiwan upang makapag-ambag sa international disease prevention, health security at emergency response. Dahil dito, nanawagan siyang huwag ibukod ang Taiwan sa WHO-related mechanisms at hinikayat ang international medical community na igalang at panatilihin ang mga naunang resolusyon ng WMA.
Sinabi naman ni Chen Hsiang-kuo, President ng Taiwan Medical Association, na ang muling pagkumpirma ng resolusyon ay nagpapakita ng patuloy na suporta ng international medical community sa prinsipyong “Health Without Borders.” Binigyang-diin niyang walang bansa o populasyon ang dapat maiwan sa global health cooperation. Tiniyak ng asosasyon na patuloy itong makikipagtulungan sa WMA at iba pang international medical organizations upang isulong ang meaningful participation ng Taiwan sa WHO, World Health Assembly o WHA, at International Health Regulations, at palakasin ang kontribusyon nito sa pandaigdigang kalusugan.

We use cookies to provide you with a better browsing experience.

By continuing to browse this site, you agree to our Cookie Policy. Learn more about our Privacy Policy

I understand
00:00
00:00
0.5x 1x 1.5x 2x