Para sa mga pawikan at mga korales, pinangangalagaan ang kanilang magandang tahanan, kaya ang bagong patakaran sa pagbabayad sa intertidal zone ay ipinatupad sa Xiaoliuqiu
Ang Xiaoliuqiu, isang maliit na isla na kalahating oras lamang ang layo mula sa Donggang, Pingtung sa pamamagitan ng barko, ay may sukat na humigit-kumulang 6.8 kilometrong parisukat at may rehistradong populasyon na umaabot sa 12,000. Ito ang isla sa Taiwan na may pinakamataas na densidad ng populasyon. Dagdag pa rito, ang taunang pagbisita ng milyun-milyong turista ay nagdudulot ng paglala ng kalagayan ng ekolohiya ng buong isla. Bilang tugon dito, simula Hulyo ngayong taon, ipinatupad ng gobyerno ng Pingtung County ang 'conservation fee' o bayad sa pangangalaga sa tatlong lugar ng intertidal zone sa isla. Ang mga turista na papasok sa mga kontroladong lugar ay kailangang magbayad ng ticket na nagkakahalaga ng 60 NTD, sa layuning mapanatili ang mga likas na yaman ng Xiaoliuqiu at maiwasan ang sakunang dulot ng turismo."
l Ang maruming tubig ay nagdulot ng kakaibang pag-usbong ng mga halamang-dagat sa karagatan ng Xiaoliuqiu.
Si Chen Wenyu, 60 taong gulang, ay halos hi...