I-click ang play button para mapakinggan!
Alam niyo ba ang mga benepisyo pagkatapos manganak sa Taiwan?


1. Maternity Benefits of Labor Insurance:
Meron tayo nito kung may labor insurance! Ang makukuha natin ay 6 months average ng 1 month salary*2. Puwede itong i-apply sa Household Registration Office ng iyong lugar kung ikaw ay kinasal sa Taiwanese. Kung ikaw ay OFW, puwedeng mag-inquire sa labor insurance office.
2. Maternity Benefits ng City/County:
Kung ikaw ay kinasal sa Taiwanese o meron Taiwanese ID, puwedeng makakuha nito sa Household Registration Office ng iyong lugar. Dipende ang amount. For example, sa Taipei city ay NT$40,000 simula ng April, 2024, sa New Taipei naman ay NT$20,000, puwede niyong i-check ang amount ng ibang lungsod sa Internet.
3. NT$5,000 subsidy per month (0-6 years old):
Kung ikaw ay kinasal sa Taiwanese o meron Taiwanese ID, puwedeng makakuha nito sa munisipyo ng iyong lungsod.
Puwedeng mag-inquire sa Labor insurance office, Household Registration Office, at munisipyo tungkol sa mga papeles na kailangang dalhin at iba pang mga katanungan.