I-click lang ang play button. Halina't samahan nyo kaming talakayin ang article 28 na kung saan ay tinalakay ang pag-audit. Kapag kailangan ng insurer o ng Labor Insurance Supervisory Commission na magsagawa ng audit o lutasin ang isang alitan, maaari silang humingi ng ulat o suriin ang mga dokumento tulad ng patient data, payroll records, test results, at iba pang kaugnay na files mula sa insured person, benepisyaryo, employer, ospital, klinika, o lisensyadong doktor o komadrona. Ang sinumang pinagsabihan ay hindi maaaring tumanggi sa kahilingang ito.