I-click ang play button para mapakinggan!
Ang Danongdafu Flatland Forest Park ay naka-located sa Guangfu Township, Hualien County. Ito ang unang flatland forest park sa Taiwan na may 1,250 hectares. Sa park, may higit sa 20 species ng puno at halos isang milyong puno ang nakatanim. Pwede makita ng mga visitors ang iba’t ibang tanawin depende sa season—flower sea tuwing spring, fireflies tuwing summer, at maple leaves tuwing autumn at winter.
Mga Features ng Park:
Bicycle Trails: May dalawang bike trails—north at south loop—mga 20 km ang total length. Perfect para mag-bike habang nag-e-enjoy sa nature. Sa visitor center, pwede mag-rent ng bike at e-bike.
Ecological Observation: Dito rin naninirahan yung endemic na Swinhoe’s pheasant ng Taiwan, kaya maraming birdwatchers ang dumadayo.
Seasonal Activities: Tuwing Lunar New Year, may flower sea event kung saan nagtatanim sila ng mahigit 20 klase ng bulaklak para sa magagandang tanawin.
Paano Pumunta:
Sumakay ng Taiwan Railways (TRA) papuntang Hualien Station, tapos mag-transfer sa Hualien Bus Route 1122, bumaba sa “Danongdafu Flatland Forest Park (Provincial Highway 9).”
Pwede rin mula sa Guangfu Station ng TRA, tapos sumakay ng Hualien Bus Routes 1142 o Ubus 1137, tapos bumaba sa parehong stop.
Opening Hours:
Bukas ang park 24/7.
Ang service center bukas tuwing Tuesday hanggang Sunday, 8:00 am to 5:00 pm, walang lunch break. Sarado tuwing Monday at Chinese New Year’s Eve, pero bukas naman during school at national holidays.
Address: No. 32, Nongchang Road, Guangfu Township, Hualien County