Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language

Formosa Dream Chasers - Programs - RTI Radio Taiwan International-logo

Programs
| Overview
Category
Host Iskedyul ng Programa
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Tara Mamasyal sa Lotus Pond!

16/05/2025 Tara Mamasyal
Photo from 交通部觀光署
Photo from 交通部觀光署

I-click ang play button para mapakinggan!

Lotus Pond (Lianchi Tan) ay matatagpuan sa Zuoying District, Lungsod ng Kaohsiung. Isa itong pasyalan na mayaman sa kasaysayan at kultura. May sukat itong humigit-kumulang 42 ektarya at pinanggagalingan ng tubig ay mula sa Ilog Gaoping. Matatagpuan ito sa timog ng Bundok Guishan (Bundok ng Pagong) at sa hilaga naman ng Bundok Banping.

Mga Pangunahing Tanawin

  • Dragon at Tiger Pagodas: Mga kilalang estruktura sa tabi ng lawa. Maaaring pumasok ang mga bisita sa bibig ng dragon at lumabas sa bibig ng tigre, na sumisimbolo ng kasabihang "pumasok sa bibig ng dragon, lumabas sa bibig ng tigre" upang humiling ng suwerte.

  • Spring at Autumn Pavilions: Matatagpuan sa tabi ng Dragon at Tiger Pagodas. Isa itong makasaysayang gusali kung saan maaaring magpahinga habang pinagmamasdan ang tanawin ng lawa.

  • Templo ni Confucius: Isang templo na iniaalay kay Confucius. Mainam itong puntahan para sa mga nagnanais matuto tungkol sa relihiyosong kultura ng Taiwan.

  • Chih Cheng Road (Daan ng Jiancheng): Isang 770 metrong lakarang daan na angkop para sa paglalakad at pagtanaw sa paligid. Mainam itong bisitahin sa takipsilim upang masilayan ang magandang tanawin ng paglubog ng araw.

Impormasyon sa Transportasyon

  • High-Speed Rail (HSR): Bumaba sa Zuoying HSR Station, at sumakay ng bus o taxi papunta sa Lotus Pond. Mga 10–15 minuto ang biyahe.

  • MRT: Sumakay sa Red Line at bumaba sa Zuoying Station. Lumabas sa Exit 2 at maglakad ng humigit-kumulang 20 minuto patungo sa Lotus Pond.

  • Bus: Sumakay sa Red 35 na bus mula sa Zuoying HSR Station papunta sa Lotus Pond. Bumaba sa hintuan na “Lotus Pond,” at mula roon ay maaaring lakarin ang pupuntahan.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解