I-click ang "ON AIR" button para mapakinggan!
🍳 Kultura ng Taiwanese Breakfast Shop
Sa Taiwan, sikat na sikat ang mga breakfast shop. Nagsimula ito noong 1970–1980s, para sa mga taong walang oras maghanda ng almusal sa bahay.
Dito, makakabili ka ng halo-halong pagkain—may traditional na Chinese gaya ng soy milk, youtiao (pritong tinapay), at rice ball, pero may Western-style din gaya ng toast, burger...etc.
Para sa mga Taiwanese, ang almusal dito ay ritwal ng pagsisimula ng araw. Bata man o matanda, pumupunta sa breakfast shop para kumain at mag-relax.
Masaya ring malaman na ang milk tea dito ay tinatawag na “natural na pampadumi” kasi minsan mabilis ang epekto nito!
Simple, masarap, at abot-kaya—kaya mahal na mahal ng mga tao ang breakfast shop sa Taiwan.