Production and Broadcasting Code

[Taiwan News] Bagong Exhibit sa Chiang Kai-shek Memorial Hall, Tampok ang Papel ng Kababaihan sa 100 Taong Kasaysayan ng Demokrasya
Binuksan sa Chiang Kai-shek Memorial Hall sa Taipei ang isang bagong permanent exhibition na nagbibigay-pugay sa mga kababaihang naging bahagi ng pakikibaka para sa demokrasya, kalayaan, at karapatang pantao sa Taiwan.

Pinamagatang “Her Path to Democracy”, tampok sa exhibit ang mga kuwento ng 12 kababaihan at apat na organisasyon na may mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng demokrasya sa Taiwan mula 1920 hanggang 2020.

Matatagpuan ang exhibition sa third floor ng Chiang Kai-shek Memorial Hall, sa multimedia human rights exhibition area.

Ipinapakita rito ang naging papel ng kababaihan mula sa panahon ng pananakop ng Japan, sa ilalim ng martial law, hanggang sa pag-usbong ng civil society matapos alisin ang batas militar.

Kabilang sa mga tampok na personalidad sina Yeh Tao, Hsieh Hsueh-hung, Hsu Chin-yu, Chou Ching-yu, Hsu Jung-shu, Linda Arrigo, Peng Wan-ru, at Liglav A-wu, na pawang nag-ambag sa pagsusulong ng mga karapatan at demokratikong pagbabago sa Taiwan.

Kasama rin sa exhibit ang mga kuwento ng mga organisasyong pangkababaihan, kabilang ang mga babaeng nagtatag ng Taiwan Cultural Association at ang Changhua Women's Mutual Encouragement Association.

Upang maging mas kawili-wili ang pag-aaral ng kasaysayan, gumagamit ang exhibition ng digital videos, artificial intelligence o AI, at immersive light projections.

Sa gitna ng exhibition area ay may malaking instalasyon ng puno na sumisimbolo sa paglago at pag-ugat ng demokrasya.

Sa pamamagitan ng projection technology, makikita sa itaas nito ang mga bulaklak na lily na namumukadkad sa gitna ng mga alon.

Maaari ring manood ang mga bisita ng mga historical video at gumamit ng AI upang gumawa ng sarili nilang democracy-themed character cards na maaaring idagdag sa interactive democracy tree.

Sa opening ceremony noong November 4, sinabi ni Taiwan Culture Minister Lee Yuan na personal niyang nasaksihan ang pakikibaka ng ilang kababaihan para sa demokrasya.

Partikular niyang binanggit si Linda Arrigo, na kilala sa kaniyang matatag na paninindigan at hindi pagkompromiso sa mga prinsipyong ipinaglalaban.

Ayon kay Lee, mahalagang maipakita sa publiko ang kontribusyon ng kababaihan na madalas hindi nabibigyan ng sapat na pansin sa mga kuwento tungkol sa kasaysayan ng Taiwan.

Sinabi rin niyang patuloy na isinusulong ang pagbabago ng Chiang Kai-shek Memorial Hall upang maging isang sentro ng edukasyon tungkol sa demokrasya.

Ang naunang permanent exhibition na “The Blossoms of Freedom” ay nakapagtala na ng humigit-kumulang 340,000 bisita sa loob ng wala pang isang taon.

Para kay Lee, ipinapakita nito ang lumalaking interes ng publiko, lalo na ng mga kabataan, na mas maunawaan ang kasaysayan ng Taiwan.

Inilarawan niya ang bagong exhibit bilang ikalawang bahagi ng patuloy na pag-aaral ng lipunan tungkol sa kasaysayan ng demokrasya.

Samantala, sinabi ni Chang Hui-chun, director ng Chiang Kai-shek Memorial Hall, na habang ipinapakita ng “The Blossoms of Freedom” ang pangkalahatang kasaysayan ng demokratikong pag-unlad ng Taiwan, nakatuon naman ang bagong exhibit sa mga kuwento ng kababaihang hindi gaanong nabibigyang-pansin noon.

Kasabay ng pagbubukas ng exhibition, inilunsad din ang isang illustrated book para sa mga kabataan na pinamagatang “Democracy Adventure.”

Tampok dito ang mga kuwento ng anim na kababaihan at sampung interactive exercises upang tulungan ang mga kabataan na mas maunawaan ang kahalagahan ng demokrasya.

Mula November hanggang December, magkakaroon din ng mga guided historical walks, book-sharing events, at lecture series na pinamagatang “A Room of One's Own.”

Layunin ng mga aktibidad na ito na hikayatin ang mas maraming tao na kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng demokrasya sa Taiwan.

[International News] Pilipinas at China, Nagsisikap na Mapabuti ang Relasyon; Mga Lider, Inimbitahang Dumalo sa mga Summit
Nagsasagawa ng mga hakbang ang Pilipinas at China upang mapabuti ang kanilang relasyon sa gitna ng patuloy na tensyon sa South China Sea.

Noong November 3, nag-usap sa telepono sina Philippine Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at Chinese Foreign Minister Wang Yi upang talakayin ang kasalukuyang ugnayan ng dalawang bansa at ang mga posibleng paraan upang mapanatili ang katatagan nito.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs o DFA noong November 4, inilarawan ang kanilang pag-uusap bilang bukas, praktikal, at konstruktibo.

Ayon sa DFA, parehong nagpahayag ang dalawang panig ng kagustuhang mapanatili ang isang matatag at maayos na relasyon na nakabatay sa paggalang sa isa't isa at kooperasyong kapaki-pakinabang sa parehong bansa.

Bilang kasalukuyang chair ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, ipinaabot ni Lazaro ang imbitasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese Premier Li Qiang na dumalo sa 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong sa Manila.

Sa kabilang panig, ipinaabot naman ni Wang Yi ang imbitasyon ng China kay Marcos na dumalo sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit, na gaganapin sa Shenzhen, China.

Kapwa tiniyak ng dalawang foreign minister na ang mga lider ng kanilang bansa ay bibigyan ng angkop na pagtanggap at suporta sa kanilang pagdalo sa mga summit.

Naganap ang pag-uusap sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China, lalo na dahil sa mga paulit-ulit na komprontasyon at banggaan ng kanilang mga barko sa South China Sea.

Bukod dito, madalas ding magkaroon ng palitan ng matitinding pahayag sa social media ang mga opisyal ng Philippine security agencies at mga kinatawan ng Chinese Embassy sa Pilipinas.

Dahil dito, naging paksa ng interes kung paano tatanggapin ang mga lider ng dalawang bansa sa mga international summit na kanilang dadaluhan.

Ayon sa DFA, nagkasundo sina Lazaro at Wang Yi na mahalagang ipagpatuloy ang diplomatic communication at dialogue upang maiwasan ang mga aksyon o pahayag na maaaring magpalala ng tensyon.

Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng mapayapang paglutas sa mga hindi pagkakaunawaan at responsableng pagharap sa mga sensitibong isyu sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, kinumpirma na ng Malacañang na dadalo si President Marcos sa APEC Summit sa China.

Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa Beijing kung dadalo si Chinese Premier Li Qiang sa ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong sa Pilipinas.